r/LawPH • u/JunkTrunkcvd • 21h ago
Sino ba dapat ang masunod sa Repair / Replace / Refund options under the Consumer Act of the Philippines (RA 7394) - ang consumer ba o ang seller/manufacturer?
Sino ba dapat ang masunod sa Repair / Replace / Refund options under the Consumer Act of the Philippines (RA 7394) - ang consumer ba o ang seller?
So here's the situation: back in May 2023 ay bumili si Pedro ng gen4 2TB nVME SSD drive sa halagang Php 6,000. Etong SSD ay merong 5 years warranty.
Nasira ngayon ang SSD. Since 5 years ang warranty, pasok pa eto sa warranty period. As you may have known, currently ay nagtaas ang presyo ng computer parts including SSD dahil sa AI demand. Yung Php 6,000 na gen4 2TB nVME SSD drive noon ay nasa Php 24,000 na (x4 na ang presyo)
Ngayon, ang ino-offer lang ng manufacturer ay full refund ng halagang Php 6,000. Siyempre, lugi si Pedro dito kasi Php 24,000 na ang presyo nung nasira niyang pyesa so kung tinanggap niya ang Php 6,000 ay need pa niya ng additional Php 18,000 para makabili ng same SSD drive na nasira.
So ayon ba sa Consumer Act, may karapatan ba si Pedro na magdemand ng replacement drive? Take note na binebenta pa rin kasalukuyan sa merkado yung nasira niyang SSD drive (same model/capacity) at hindi eto currently obsolete. Ang sinasabi lang ng manufacturer ay "out of stock" na daw ang replacements nila (kahit na nagbebenta pa naman sila ng same model/capacity)
NOTE: Halos same ang scenario ko sa karanasan ni Louiss Rossman vs. Samsung (google niyo na lang pero sa USA kasi yung pangyayari na yun. Not sure kung paano dito sa Pilipinas with RA 7394.)