r/pinoy • u/Horny_Ijot • 11h ago
P-pop “Oooh Lala Baby (Giling Giling Ko)” ng Baby Dolls ay puno pala Ng sexual innuendos
Today I learned. Akala ko dati catchy novelty dance song lang ang Oooh Lala Baby ng Baby Dolls. Pero ngayong inintindi ko ang lyrics, parang hindi pala ito basta-bastang sayaw. HAHAHA.
Exhibit A:
Mapapa-ooh
Mapapa-ooh-la-la
Mapapa-ooh-la-la sa giling ko
Alam naman natin na ang “giling” ay puwedeng tumukoy sa sensual grinding, especially sa kama. Tapos may “ooh-la-la” pa. Parang hindi lang dance moves ang pinag-uusapan dito. 😂
Exhibit B:
’Pag ako ang minahal, bubuka ang bulaklak (Bulaklak)
Now, we all know na ang “bulaklak” ay puwede ring maging euphemism for female genitalia sa Filipino sexual humor. So “bubuka ang bulaklak” can definitely be interpreted as a sexual metaphor.
Exhibit C:
’Pag ako pinili mo, katawan ko para lang sa ’yo
And then:
Para lang sa ’yo ang giling-giling ko
So basically, kapag minahal at pinili mo siya, ibibigay niya ang katawan niya sa’yo, pati ang kanyang “giling-giling.” 😭
Ang nakakatawa, ang upbeat at playful ng kanta kaya madaling hindi mapansin ang double meanings.
TIL na ang akala kong innocent na novelty dance song ay puwede palang basahin as a song about sexual desire, seduction, and intimacy, cleverly disguised as a catchy dance number.