May mga grumaduate ba dito na hindi pa bayad ang remaining tuition balance nila?
I graduated last July with a nursing degree, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakukuha ang diploma ko dahil may balance pa ako sa school. Suki na talaga ako ng promissory note, and honestly, sobrang traumatizing na para sa akin ang humarap sa finance office para makipag-usap tungkol sa bayarin.
Parang grumaduate ako pero hindi talaga, if that makes sense. Hindi ko ma-enjoy nang buo yung achievement ko kasi lagi akong kinakabahan sa paparating na board exam. Iniisip ko kung paano ako makakakuha ng TOR at iba pang requirements kung hindi ko pa fully settled ang balance ko.
Baon na baon kami sa utang dahil nalugi ang maliit na negosyo ng parents ko sa probinsya. Wala na silang ibang choice kundi makipagsapalaran sa Maynila para makabangon ulit. I understand our situation, and I know my parents are doing their best, pero ang hirap din pala kapag gusto mong umusad sa buhay pero financial problems keep holding you back.
Hiyang-hiya rin ako sa batchmates ko kasi pakiramdam ko ako na lang ang hindi fully paid. Nakakahiya, nakaka-stress, at minsan nakakaiyak na lang talaga. I try not to think about it too much kasi kailangan ko ring mag-focus sa review, pero paano ba hindi mag-alala kung hindi ka pa sure kung makukuha mo ang mga documents na kailangan mo for the boards?
Despite everything, I still want to top the board exam. I know I can do it. Hindi naman ako kulang sa pangarap o sa willingness na mag-aral. Hindi lang talaga kami financially stable ngayon, and it's frustrating that something beyond my control is making this journey so much harder.
I'm trying to stay hopeful and take things one day at a time, pero ang bigat lang talaga minsan. I hope malagpasan ko rin ito.
Sa mga nakaranas o nakakaranas din nito, what's your story? Nakapag-board exam ba kayo kahit may outstanding balance pa kayo? Paano ninyo naasikaso ang TOR, diploma, at other requirements? I would really appreciate hearing your experiences. I just want to know na hindi ako nag-iisa sa ganitong situation.