Almost everything has ties talaga sa unresolved/unhealed childhood/family trauma pala talaga haha
Siguro yung hiniling ko dati, magkaroon ng partner na tulad ni daddy. In fair, lahat naman ng mga naging ex ko, masarap magluto, which is one of the things na gusto ko kay daddy. Ayaw ko sa lalaking di marunong sa gawaing bahay. Marunong din naman sila pero š
Kahapon tinanong ako, bakit ako nahihiya humingi ng pera o ambag. Di ko masagot. Ngayon ko naisip, habang patanda ako nang patanda, mas nahihiya ako humingi o humiram ng pera.
Siguro na-instill sa utak ko masyado na habang nakatira ako sa pamamahay nila, sila masusunod. I mean, ganun naman talaga. Pero nasasakal kasi ako haha. So parang tinatak ko sa utak ko na i'll make it on my own para makaalis. Hindi ako hihingi ng tulong sa kanila. I've always wanted to run away. I think 3 years old pa lang ako when it started. Pero di natutuloy haha. Then high school came, this time, I started to have s* thoughts. Puro plan lang naman, never did anything to harm myself.
But I'm literally only alive or made it through dahil sa mga kabarkada ko. I guess what made me set aside those plans and thoughts was when an ex-friend (another story for another time š) almost did it. Grabe yung naramdaman ko that time. Yung iyak ko, yung kaba ko. Ilang beses ko tinry i-reach out after receiving her "last" message. Gusto kong lumabas para hanapin siya pero alam kong di ako papayagan kasi late night na nun. I think hours after, I finally got ahold of her and kumalma lang ako when I knew na nasa church siya and she was still alive. I didn't want my friends to experience what I went through so ayun.
Pandemic was so hard for me, it was my worst nightmare. Nakakahinga na nga lang ako pag nasa labas ako ng bahay tapos nawala bigla yung "freedom" ko. Sobrang nahirapan ako mag-adjust. Kung anu-ano pa sinasabi sa bahay kasi tanghali na ako gumigising or lumalabas ng kwarto. Thing is, ayaw ko sila makasama. I mean, with everything that ALL of them did to me, who would actually want to live with them. I was just using them so I could survive.
Umabot sa point na I forced myself to ask for help sa isang prof ko na doctor kasi di na kinakaya ng mental health ko. I was about to leave, pero hinarang ako. The very reason why my mental health was declining yung talagang pumigil sakin. Tapos syempre yung isa kong kuya, sobrang mama's boy. Nung tinatry kong kumawala at medyo natulak ko, pinalo ako ng bote ng tubig sa ulo ko :) i even had to call my prof right then and there para lang maniwala sila na KAILANGAN kong makaalis and di na talaga healthy para sakin yung environment. Nung nakausap lang ng kuya kong mas may utak yung prof ko, tsaka lang ako hinayaan na umalis. I stayed with a friend for a week. Then nahiya na ako so I asked my cousin kung pwede ba sa kanila muna ako.
Fast forward, medyo naging okay, nagkaroon ng konting "usap" then sumama ako pabalik sa bahay. Tapos parang ilang araw o linggo lang ata, lumala na naman mental health ko hahahaha. This time, pinaalam ko na sa daddy ko na aalis na ako. I actually didn't know where i'll go basta gusto ko na umalis. He then offered me na bakit hindi ko na lang siya samahan sa bulacan. Pumayag ako with hesitation. Pero napansin ko naman nang nagbago siya during pandemic. If magagalit siya (well at least sakin), di na katulad nang dati.
Things got better. Pero nawalan ako ng motivation pa onti onti with my studies. Mas napaglaanan ko ng time yung pagiging fit ko, paglinis ng bahay, and pag-alaga ng mga halaman.
Tapos I think nakadagdag pa nung time na malapit nang mag-retire si daddy. Parinig nang parinig yung isa na mawawalan na ng pera si daddy, magkano lang yung pension (since private), etc. I looked for a job privately and yay buti may nahanap naman after a few months haha. Nung nagkaroon na ako ng start date, tsaka lang ako nagsabi sa isang kuya ko and sa gf niya na may trabaho na ako. Pero tago pa rin sa ibang tao. Takot kasi ako na pagalitan na di ko tinapos pag-aaral ko tapos naghanap na ako ng trabaho, lalo na kay daddy. Kahit naman nagbago siya, andun pa rin naman yung trauma haha. Pero idk hahaha nalaman din niya eventually months after hahaha. Advice lang niya sakin na tapusin ko eventually pag-aaral ko para ma-promote ako.
I still have a lot of unhealed trauma na nadadala ko rin talaga sa relationships ko. Yung pagiging anxious ko, yung pag-stay ko kahit deep inside alam ko na hindi na tama yung nangyayari, pagiging over giving ko, mas mahal ko yung partner ko to the point na hindi ko mahal and nirerespeto sarili ko, yung pag-iisip ko na kaya nila magbago or mas nakikita or naniniwala ako sa potential, etc
Nakaka-disappoint lang siguro. I always want and do the best I can to support kung sino man partner ko. Pero why can't they do the same pag ako yung nangangailan ng support, pag ako yung nahihirapan, pag di ko kinakaya yung mga bagay-bagay, pag feeling ko pasan pasan ko yung mundo. I don't ask for grand gestures. I rarely or even never ask for flowers (sinasabi ko naman na if ever, gusto ko yung actual halaman para matagal mabubuhay), dining in expensive restaurants (kung gusto ko, gusto ko ako yung gagastos or 50/50), or other things na makikita sa social media.
I was forced to have a provider mindset. I was forced to be the masculine one. The only time I took a leave was when we went to Baguio and this one time na hmm hahah. Kasi kahit na lumaki sahod ko, I have bills to pay, I have to manage our meals, may mga kailangang i-repair sa bahay, yung maintenance ng kotse, etc. Kung hindi ako magpplano, walang mangyayari. He never planned things. Ako palagi. Where we'll stay, how to go there, magkano gas and toll, activities we can do, etc. His only ambag was to be the driver, and siya tagaluto and tagahugas. Yung alternative routes, ako pa rin nag-iisip at nag-dedecide. Ako nagbabayad ng accom. The only time na nag-decide ako na 50/50 kami was nung sa Baguio kasi hindi ko kaya yung loss sa side ko masyado.
Tbh, kaya naman ako nag-decide tumira sa bulacan kasi I wanted to get away. Andami kasi talagang lumalabas sa bibig nung isa. And also para mabawasan yung binabayaran ni daddy. Akala ko kaya ko. Iba pala talaga when you have to fully pay stuff on your own and manage shit. When he decided to move in with me, na tbh I wasn't really 100% onboard with it, I had to adjust na naman. Though we were just two people who wanted to get away from family shit.
Mali ko na I wasn't brave enough to have a talk with him on how we'll do things. Yung hatian sa expenses, sa chores, etc. But I mean, expected ko naman at least na there will be initiative on his part. Siya yung lalaki eh. But okay, mas malaki sahod ko. I couldn't say no and gets ko naman na he still wants to give sa family niya. Hindi naman kami kasal. Panganay pa siya.
I really tried to understand him. Yung pagod niya sa byahe, may sideline pa siya, the only days na dapat pahinga niya siya yung nagluluto and naghuhugas, yun din yung days na pwede siyang mag-gym. Cramped naman din talaga sched niya. And supposedly, hayahay buhay ko since full wfh ako. Kaya ang dami kong inako.
I guess I overestimated our capacity to work things out. Parehas kaming pagod. Ang bigat ng mental load ko for managing the household. Wala akong maayos na tulog (night shift ako). Nag-seep na physically yung pagod ko mentally. I really didn't have the energy to do things. I just forced myself to get up and work kasi kailangan ko ng pera so we can sustain our lives.
Tbh yung "tulong" lang na gusto ko sa kanya is to help maintain na hindi makalat yung paligid. Guess that's still too much for him. Okay na sakin na mas malaki ambag ko financially pero pati ba naman sa chores, mas malaki pa rin ambag ko? Kung gusto niya ng traditional partner na ako lahat sa gawaing bahay, he should be able to provide for the two of us. Pero no. We both work.
He doesn't know the trauma I carry dahil sa pamilya ko. Though I guess gets ko naman na anyone na outsider and anyone who doesn't know what happened will view me na bastos. Pero hindi ba dapat kampihan naman niya ako and alamin niya bakit ganun reaction ko or bakit ganun treatment ko sa family ko, lalo na sa nanay ko. Kasi pag siya nagkwkwento ng mga past trauma niya, siya palagi kinakampihan ko. Wala akong pake sa side ng ibang tao. If he felt shit, siya yung susuportahan ko.
Anyway, I don't know how to end this. I guess healing isn't really linear. There are days na okay ako, there are days na nag-rerelapse ako.