r/taxPH • u/Short-While9565 • 11h ago
Magkano kaya ang possible BIR penalty ko? Hindi updated ang books of accounts at resibo ko since 2023.
Hello po! May small printing and photocopy business po ako sa Pilipinas, operating since 2021.
Updated naman po ako sa pag-renew ng business permit at pagbabayad ng quarterly taxes. Ang problema ko po, hindi ko na-update nang maayos ang books of accounts at sales records/invoice records ko since 2023.
May daily sales tracker naman po ako sa laptop kung saan ko nire-record ang daily sales ng business. Ang akala ko po kasi noon, basta naitatala ko ang sales at nakakapagbayad ako ng taxes, okay na. Hindi ko po lubos na naiintindihan noon ang requirements tungkol sa books of accounts at mga resibo/invoices.
Ngayon po, gusto ko nang ayusin ang lahat ng records ko at maging compliant sa BIR.
May mga tanong lang po sana ako sa mga naka-experience na ng ganitong situation:
- Magkano po kaya ang possible penalty sa hindi updated na books of accounts at sales invoice records since 2023?
- Per violation po ba ang penalty, o may computation depende sa taon at sa mga hindi nagawang requirements?
- Dahil nagbabayad naman po ako ng quarterly taxes, makakaapekto po ba iyon sa magiging penalties ko?
- Ano po ang dapat kong ihanda at unahing ayusin bago pumunta sa BIR RDO?
- May naka-experience na po ba rito ng similar situation? Magkano po ang naging total penalty ninyo?
Small business owner lang po ako kaya gusto ko sanang magkaroon ng idea kung magkano ang dapat kong ihanda bago magpa-assess sa BIR.
Hindi ko po intensyong takasan ang obligasyon ko. Gusto ko lang pong maitama ang records ko at maayos ang compliance ko moving forward.
Maraming salamat po sa mga sasagot at magbabahagi ng kanilang experience. 🙏❤️