Since hindi makapag-cash in sa Coins.ph ngayon, napilitan akong gumawa ng account sa PDAX para makabili pa rin ng crypto.
Pero honestly, sobrang laki ng difference ng experience ko sa PDAX compared sa Coins.ph.
Sa Coins.ph Spot Trade, makikita mo agad yung current price, and kapag naabot na ng market price yung limit buy mo, automatic na siyang filled basta may matching order.
Sa PDAX, hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Naabot na ng market price yung limit buy ko, and mas mababa pa yung naging market price kaysa sa naka-set kong buy price. Pero 2 days na, hindi pa rin filled yung order ko. 😭
Wala rin akong makita na order book, kaya hindi ko malaman kung may available bang sellers/counter-orders or kung ano talaga yung reason bakit hindi ma-fill yung order.
Hindi ko tuloy alam kung dahil lang ba mobile app gamit ko, or kailangan ko pang gumamit ng laptop/desktop para makita yung order book at mas maayos na mag-trade.
Baka may namimiss lang akong feature or hindi ko lang naiintindihan kung paano gumagana ang PDAX limit orders?
Coming from Coins.ph Spot Trade, honestly, mas smooth talaga yung experience doon. 😅