Hi guys!
Plano ko sanang bilhin itong EltaMD UV Shield Defense SPF 50, pero gusto ko muna magtanong-tanong dito bago ako mag-checkout.
Hihingi lang sana ako ng reviews kung okay ba 'to gamitin dito sa Pilipinas? Sobrang init at lagkit kasi ng panahon natin ngayon. Dagdag pa na oily at acne-prone skin ako, kaya takot talaga ako sa mga sunscreen na nakakapag-breakout o kaya naman 'yung humuhulas sa mukha.
Sa mga nakasubok na nito, kumusta naman?
Mabigat ba siya sa mukha o malagkit kapag pinagpawisan?
Lalong nakaka-oily ba o okay naman ang oil control?
Hindi naman ba kayo tinigyawat o nagkaroon ng clogged pores?
May white cast ba siya o mukhang multo sa picture?
Salamat sa mga sasagot! Pasensya na sa daming tanong, para lang sigurado bago mag-budol. Thank you!