Hello po! It's my first time posting here and share ko lang po 'yung goal na na-achieve ko finally.
Nahihiya talaga ako mag-post dito kasi may mga nakikita akong nasa early 20s or less pa, ay malaki na ang naiipon. Aminado po ako na hindi talaga ako marunong mag-handle ng money ko ever since. Impulsive buyer ako at madalas ang "deserve ko naman 'to!" pagdating sa foods and coffee. May mga loans din ako na nababayaran ko naman na din ngayon.
Pero nung nag-increase na ang salary ko, hindi ko na muna hinayaang mag level-up din ang lifestyle ko. Lahat ng pwedeng pagtitipid ginawa ko, like doing my own coffee instead of going to expensive coffee shops.
I really just want to celebrate my very first 6 digits in my life (in total) hahaha. Hindi ko na pinakita 'yung iba pero 'yan po talaga total nyan, hindi pa kasama yung cash-on hand ko. Kahit na watak-watak ang savings ko jan, gusto kong maging proud sa sarili ko na kaya ko naman pala.
Anyway, feel free to comment if tama o may mali po sa ginagawa ko. Wala pa po pala akong Maribank, and 'yung Maya ko naman ay hindi ko pa ginagamit. Ito po pala mga banks and e-wallet na ginagamit ko now:
Go-Tyme Savings
Uno Bank Savings
Atome Savings
Cebuana Savings
BDO Savings (wala pang 1k ang andito)
G-cash (1k limit lang ako for fast transactions)
Tonik Time Deposit